“Tambay”

Abril 29, 2010

Uiii! tambay sila hahaha, well guys etong blog ko it’s all about tambay, halos lahat naman ata ng tao josko tumatambay diba? mapabahay pa yan,kalye,mall,harap ng bahay at kung saan saan pang pwedeng matambayan, ohhh kayo ba saan kayo tumatambay? ako sa kanto ng bahay ng kaibigan ko sa tapat ng tindahan ni ate jen hahaha, tumatambay para mag yosi at mag kwentuhan. Hindi ako pwedeng hindi lumabas ng bahay tuwing gabi, Hindi dahil sa pokpok ako hahahaha dahil gusto ko makita yung mga friendships ko sa labas, para makapagkwentuhan at bumili ng shake sa malayong lugar. kaya lang naman tumatambay ang mga tao para may magawa o may makausap diba? oh wag nyong sabihing hindi kayo nakikipag usap sa mga kaibigan nyo pag tatambay yes ofcourse kelangan nyo ng conversation, ayun, isa din sa mga tinatambayan ko dati yung mall sa trinoma josko nagkalat ang mga fashionista, pero ok lang kanya kanyang trip lang yan sabi nga ng iba diba?, well guys it’s not bad if you’re going to wear a clothes na sobrang high fashion sabi nga diba kanya kanyang trip lang yan, pero eto kung alam mong panget sayo wag mo ng suotin hahaha swear, at kung piling mo mukha kang katawatawa Ooopss sorry ha baka naman may matamaan dito πŸ™‚Β  guys better not to wear that clothes kung mukha ka ng katawatawa kung susuotin mo pa ok! advice ko lang naman po sa mga tumatambay ng mall πŸ™‚ not bad naman diba? im just giving you an advice bilang isang mabuting kaibigan hahaha, guys ok balik tayo sa usapang tambay ha, ayun na nga madalas ako dating tumambay sa trinoma were all friends are their para lang uminum ng starbucks at tumambay sa garden, then picture taking with your friends. Ohhh wag nyong sabihing hindi kayo nag pipicture pag nasa mall kayo? well siguro kanya kanyang trip lang talaga yan hahaha, eto pa guys speaking of picture taking, please naman sa mga nag pipictureΒ  wag nyo naman ipakita halos yung kaluluwa nyo sa picture masyado expose eh, pero kung sa tingin nyo epal ako, sorry, hahahaha kanya kayang trip nga pala hahaha, ok back to topic, sa starbucks trinoma garden tayo ulit ha, may mga taong sadyang papansin pag tumatambay hahaha, alam nyo yan hahahahaha, mga taong magaling pumorma at mag pacute mga ganun something ever na nakakairita na alam mo pacute sobra sarap buhusan ng asido sa mukha pati na din yung mga pasosyal josko hahahahaha, ewan ko ba bakit ang daming taong social climer, pero hayaan mo na kanya kanyang trip nga ang kulet mo kuya hahahaha sorry ha, sadyang makulit lang talaga ako eh, pero oi wag ka epal blog ko toh eh hahahaha, ok guys know your limit ha, wag nyo pong ipagpilitan ang isang bagay na hindi naman fit sa inyong personality πŸ™‚ tama naman ako diba?, guys know out limit as a person ha, hindi naman masama ang makihalubilo sa mga taong highclass pero mahirap pa din ang makipag kaibigan sa kanila kasi hindi mo pa sila kilala ng lubusan ok? im just gving you an advice. some of them has a cruel intensions, be wise sa lahat ng bagay wag padalos dalos ng pag-iisip baka mahulog ka sa patibong.

Ok eto ng ang ending na blog ko salamat sa mga bumasa sobrang naaprreciate ko kung sino man ang bumasa, guys pwede din kayong mag request kung anu gusto kong ishare sa inyo sa blog. and you can also share you’re stories sa blog wag mahiya libre lang magpost sa blog ng feeling and adventure πŸ™‚ masaya toh, you can write anything you want basta wag lang masyado harsh ok? godbless you all.

anu ba ang boring para sayo? para sa akin ang boring ay kapag walang kang ginagawa πŸ™‚ pero ako may ginagawa eto etong blog na to ginagawa ko, kasi pag wala akong gagawin wala kayong babasahin hahahaha isa sa mga dahilan kaya ko ginagawa ang blog dahil na din para may magawa ako at may maibagahagi sa inyong lahat tungkol sa katauhan ko. saan ko nga pala uumpisahan tong kwento ko, gusto nyo bang malaman kung anu ang ugali ko at kung anu ako bilang isang kaibigan at bilang isang tao na din πŸ™‚ gusto ko sana ibahagi sa inyong lahat ang tungkol skin kasu nga lang nakakatakot kapag sinabi ko sa inyo kung anu ako! hahaha joke lang pero hindi naman lahat syempre mababahagi ko sa inyong lahat! sorry kung puro tagalog nababasa nyo sa blog ko ha! kasi hindi naman ako ganun kagaling mag english isa pa ayoko namang sabihin akong trying hard jusko hahaha! hindi naman ako trying hard minsan lang hahahaha joke! Sige let’s start na nga kanina pa ako nag ttype dito eh! at ayoko maging jejemon tong blog ko at ayokong mag type na parang katulag nila kawawa naman yung mga babasa nitong blog ko hahaha! By the way guys ako nga pala ay isang taong mahilig sa kaibigan, pero pasensya na ha mapili ako sa kaibigan in a way na maganda hindi yung panget, ganito kasi ako mamili ng kaibigan mga friendship eh! unang una gusto ko sa isang kaibigan syempre yung kalog,makulit,understanding,yung madadamayan mo sa mga problema mo,masasabihan mo ng sakit ng nararamdaman mo, hindi po ako yung tipo ng tao na pag pumili ng kaibigan yung kailangan magada/gwapo ka, mayaman, yuung may mga magagandang bagay, friendships hindi po ako ganung tao, hindi po ako USER in other way, let be real. yung iba kasi praktikal eh diba? pag mayaman ang kaibigan dun kumakapit at doon ka lang din nya magiging kaibigan pag may pera ka, guys we dont need money para magkaron ng kaibigan and friendships wag tayong gumamit ng tao para lang ilibre tayo ng kung anu. be centented kung anung meron kang kaibigan wag mo ng hangarin ang makipag kaibigan sa mga sosyalan na mga tao kasi mahihirapan lang yung iba dahil syempre jan mag sisimula ang inggitan,yabangan, guys alam nyo magbabago ugali nyo kapag nagkaron kayo ng kaibigan ng ubod ng yaman, hindi naman sa masama makipag kaibigan sa mga may pera syempre friendships know your limit as a person, ako aaminin ko halos lahat ng kaibigan ko may pera, pero syempre ako kapag alam kong wala akong pera i wont go to anything na mawawala yung pera ko, lets be praktikal diba? sabi nga ng iba diba wag mong ipagpilitan ang bagay na hindi mo naman kaya, yeah it’s true friendships, kasi hindi mo naman kailangan eh kung pinangkain mo na lang ibinigay mo sa family mo edi may naitulong ka pa, at guys speaking of bigay sabi nga sa simbahan, mamigay ka kung anu meron ka im not saying na ibigay mo lahat hahaha, ang gusto ko lang sabihin mamahagi ka kahit kaunti sa mga taong namamalimos ayun ang sabi sa church. guys if ever na may makit kayong mga batang nasa over pass or under pass guys bigyan nyo po ng food kung meron kayo kasi alam nyo nakakaawa sila, kung may charity lang ako naku kinopkup ko na yin, at alam nyo ba dagdag pogi points yun kay god kapag nag bigay ka sa mga taong namamalimos sa paligid mo, at eto pa guys wag nyong ipagmamayabang sa lahat ng tao na nagbigay kayo ng kahit anung bagay sa mga mahihirap natin kaibigan, kasi god knows kung anu yung ginawa mo, at sa mga matapobre naman konsensya na nila yun hahaha joke! pero friendships lets thank god for the blessing kasi hindi tayo natutulad sa mga taong nasa labas at namamalimos maswerte na tayong may mga bahay, wag na kayo mag demand kung anu pa yung mga gusto nyo maging kuntento na kayo, kasi alam nyo yung iba hindi kayang bunili ng nabibili ng iba, napaka swerte na natin super! ayun lang hahahaha sorry ha ayun po ang nagagawa ng boring pero guys, mag share din kayo ng story masaya po hahaha, lets thank god for the blessing πŸ™‚

Minsan iniisip natin kung bakit tayo nasasaktan diba? bakit nga ba? isa sa mga dahilan natin kung bakit tayo iniiwan ng mga mahal natin sa buhay ay yung mga pagkakamali mga pagkakamali na minsan hindi natin alam yung dahilan kung bakit! minsan alam mong tama yung ginawa mo pero mali pa rin sa pananaw nila! minsan na-isip ko na siguro hindi lang sya para talaga sa akin! na minsan ang hirap tanggapin! madami kang katanungan kung bakit, bakit sya pa yung minahal ko kung iiwan nya lang din ako! ohh dba aminin ganun ang alibi ng karamihan pag broken hearted. pero hindi ko masisisi ang lahat sa inyo dahil nag mahal lang naman tayo ng totoo! minsan may mga ganitong tao hindi nila napapahalagahan na mahal mo sila, dahil hindi nila nararamdaman o nakikita at ang hirap tanggapin nun! kasi ang sakit sakit sobra, may mga tao namang paasa o nag paasa hays pareparehas lang naman sila na minsan papakitaan ka ng maganda bandang huli wala rin pala, kaya nga diba sa face meron fan page na “ang unang mainlove talo” ganun ang mga tipo ng tao na paasa, minsan hindi mo namamalayan nahulog ka na pala sa kanila, nahulog ka nga pero hindi ka naman nila sinalo ayun ang mga taong paasa, kaya minsan hindi na ako naniniwala sa mga salitang “ikaw lang at wala ng iba”, “naramdaman ko kasi na mahal kita”. pucha tigilan na tong kalokohan na to kung ganun lang din naman ang sasabihin mo sa akin matatawa na lang ako! hindi naman sa bitter or something about sa mga ex. nakakadala lang sya, baka kasi maulit lang na masaktan ka diba? kahit madaming tao jan na nagkakandarapa sa pag-ibig mo eh kung yung pag ibig nila ay parang sandalian lang eh wala na patay tayo jan, talo ka kasi alam nyo mga kapatid ang love nakakapag antay naman yan! hindi porket single ka na ng 1 year 2 year and more and more and more! hindi ibig sabihin malas ka! kasi alan nyo darating din naman yung tamang panahon eh, diba? so walang dapat ika bahala ang lahat ng tao na walng lovelife, kung iniisip nyong loveless kayo well wag! kasi anjan lang yan eh. hindi nyo nga alam baka nakakasalubong nyo na nga eh. diba? hays! at mga kapatid may mga sitwasyon kung bakit tayo nasasaktan minsan yung mahal natin may nakita ng much better sa atin! or may mga dahilan na mababaw lang na sobrang babaw na ewan kung bakit yung ginawang dahilan para lang makipag break at maging sila ng gusto nyang tao jusko mamatay na yung mga ganun tao hahaha joke lang mga kapatid ang sama ko naman kung ganun ang magiging pananaw ko sa lahat ng ganung tao! well wala ako o tayong magagawa kung ganun ang nangyari kasi nga kagustuhan nila yun kahit masakit sa atin kelangan natin tanggapin kung hindi mo matanggap pakamatay ka na lang (hahaha joke lang ha!) hays buhay nga naman punong puno ng pahirap pag anajan na si lovelife. an hirap din matukso Ohhhhhhhh tukso layuan mo ako hahaha :)) hay naku! guys advice lang sa mga wala pang lovelife wag kayong mag madali ok? enjoy life, ienjoy nyo yung buhay pagiging single dahil pag nag asawa ka naku patay tayo jan! wala na, hindi mo na mararanasan gumimik every night sa timog hahaha! at sasasunog ulit n blog mga kapatid sana yung iba nakarelate sa blog ko hahaha!

Hello world!

Abril 29, 2010

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!